Bahagyang tumaas ang presyo ng ilang highland vegetables o mga gulay mula Cordillera na ibinabagsak sa Pasig City Mega Market.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nasa ₱5 ang itinaas ng mga tinaguriang highland vegetables gaya ng Carrots, Pechay Baguio at Sayote na ₱60 kada kilo mula sa dating ₱55 kada kilo.
Samantala, nananatili naman sa ₱160 ang kada kilo ng Bawang, ₱120 ang kada kilo ng Ampalaya, ₱100 ang kada kilo ng Sibuyas, Luya, ₱90 ang kada kilo, habang ang Talong ay nasa ₱80 ang kada kilo.
Mahal pa rin ang Bell Pepper na nasa ₱200 ang kada kilo.
Sa presyuhan naman ng Baboy, ang Kasim ay nasa ₱320 ang kada kilo, habang ang Liempo ay nasa ₱380 ang kada kilo.
Ang Manok ay nasa ₱170 ang kada kilo habang ang Baka ay nakapako pa rin sa ₱410 ang kada kilo.
Sa Isda, ang Galunggong ay nasa ₱200 ang kada kilo, Tilapia ay nasa ₱130 ang kada kilo, habang bumaba naman ang presyo ng Bangus na naglalaro sa ₱160 hanggang ₱180 ang kada kilo depende sa laki. | ulat ni Jaymark Dagala