Abiso sa mga motorista, isasailalim sa rehabilitasyon at pagkukumpuni ang bahagi ng Lanuza Avenue na sakop ng Brgy. Ugong sa Pasig City simula ngayong araw.
Ito’y ayon sa Pasig City Public Information Office ay bunsod ng isasagawang rehabilitation work ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sismulan ito gabi-gabi, mula alas-10 mamayang gabi hanggang alas-5 ng umaga kinabukasan na tatagal hanggang sa June 30.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motoristang babaybay sa naturang kalsada sa mga nabanggit na oras na iwasan muna ito at sa halip ay humanap ng alternatibong ruta. | ulat ni Jaymark Dagala