Inihahanda na ang mga suplay na ipapamahagi sa ikalawang civilian Mission sa West Philippine Sea.
Mahigit 100 banka ang inaasahang lalahok sa misyon mula Mayo 14 hanggang 17 na pangungunahan ng Atin Ito Coalition kasama ang iba pang volunteer.
Kabilang sa mga inihanda ang krudo na isinalin sa maliliit na container para ipamamahagi sa mga Pilipinong mangingisda na naglalayag sa Bajo de Masinloc o Panatag shoal.
Bukod dito ay isa-isa na rin ni-repack ang mga donasyong suplay na kabilang sa mga ipamamahagi ng naturang grupo na naglalaman naman ng bigas, mga delata, at iba pa.
Habang sinimulan na rin nilang markahan ng mga katagang “WPS ATIN ITO!” ang mga buoy na kanilang target na ilagay sa Bajo de Masinloc. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of Atin Ito Coalition