Naligtas ng mga tauhan ng Silang municipal police station (MPS) ang isang Indonesian na umano’y biktima ng kidnapping sa Barangay Malabag, Silang Cavite.
Sa ulat ng Cavite Provincial Police Office (PPO) na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Teddy Sufendy, 28 taong gulang at nagtatrabaho bilang POGO-Search Engine Maintenance sa Makati City.
Sa paunang imbestigasyon ng Silang MPS, ang biktima ay iniulat na dinukot noong Mayo 4, 2024, sa Makati City ng mga hindi pa nakikilalang indibidwal.
Base sa salaysay ng biktima, ibinyahe siya mula Makati City patungong Tagaytay City, Cavite, kung saan umano siya ikinulong.
Nagawa umano niyang makatakas kahapon, at naglakad nang higit sa apat na oras hanggang sa makarating sa harap ng isang simbahan sa Barangay Malabag, kung saan siya natagpuan ng mga opisyal ng barangay, na ni-report ang insidente sa Silang MPS.
Nakipag-ugnayan na ang Silang MPS sa Makati Police para sa berpikasyon gayundin sa Bureau of Immigration at Embassy of Indonsia sa Maynila para sa imbestigasyon. | ulat ni Leo Sarne