Inaprubahan ng House Committee on the Welfare of Children, ang consolidation ng tatlong panukalang batas ng magalagay ng infant-friendly facilities sa bansa.
Ang substitute bill ay binubuo ng House Bills 9403 providing for baby changing facilities in restroom for all public establishments and government offices, HB 9678 providing for diaper-changing stations in all major establishments at ang house bills requiring the provision of infant-friendly facilities in government and other establishments.
Ayon kay Cavite Rep. Lani Mercado na isa sa may akda ng panukalang batas dapat maging ang mga comfort rooms ng mga kalalakihan at may pasilidad na makakapag palit sila ng diaper ng kanilang mga sanggol.
Nagpahayag naman ng pagsuporta ang Council for the Welfare of Children sa naturang mga panukalang batas, anila sangayon sila sa hangarin ng mga may akda na kailangan at importante na may ganitong pasilidad lalo na ngayon tumataas ang birth rate.
Umaasa ang CWC na maisasabatas ang mga House Bills na magpapagan sa tungkulin sa mga magulang na nagaalaga ng kanilang sanggol. | ulat ni Melany Reyes