Nagsanib-pwersa ang Philippine Red Cross (PRC) at Cardinal Santos Medical Center upang palakasin ang pagtutulungan para matiyak ang supply ng dugo sa panahon ng pangangailangan.
Lumagda sa kasunduan sina PRC Chairman at CEO Richard Gordon at Cardinal Santos Medical Center President at CEO Raul Pagdanganan sa Mandaluyong City ngayong hapon.
Layon ng kasunduan na magsalba ng buhay at pabilisin ang pagresponde kapag mayroong nangangailangan ng dugo.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni PRC Chairman na nakahandang mag-supply ang PRC ng dugo sa mga nangangailangan saan mang parte ng Pilipinas.
Sa ilalim din ng kasunduan, magiging mga volunteer doctor at nurse ng PRC ang mga miyembro ng Cardinal Santos Medical Center na nakahanda sakaling magkaroon ng kalamidad at sakuna.
Sasailalim din ang mga ito sa regular na emergency at disaster preparedness training.
Tiniyak naman ni Gordon na laging nakahanda ang PRC na rumesponde sa panahon emergency. | ulat ni Diane Lear