Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang distribusyon ng mga kinakailangang kagamitan sa mga evacuation center para sa panahon ng tag-ulan.
Prayoridad na binibigyan ng mga gamit ang mga mababang lugar sa lungsod na naging front na ng mga pagbaha tuwing may malakas na pag-ulan.
Ang inisyatiba ng LGU ay bahagi ng paghahanda ng lungsod bago pa man dumating ang panahon ng tag-ulan.
Isa ang barangay Bagong Silangan sa low-lying areas sa lungsod ang hinatiran na ng mattresses, tents at iba pa na kailangan sa mga evacuation center.
Ayon sa LGU, tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng local government units sa buong bansa na maghanda na sa panahon ng La Niña na maaaring maghatid ng matitinding mga pag-ulan.
Nitong nakalipas na linggo ay iniisa-isa na ring ayusin at pinturahan ang flood markers at early warning devices na nakakakalat sa low-lying areas sa lungsod Quezon. | ulat ni Rey Ferrer