NGCP, nagbabala sa naka-ambang dagdag singil sa kuryente sa Hunyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na mayroong naka-ambang taas-singil sa kuryente sa darating na Hunyo.

Ito’y ayon sa NGCP ay kasunod na rin ng pagpayag ng Energy Regulatory Commission (ERC) na partial lifting ng suspensyon sa paniningil ng mga planta ng kuryente na nagbigay ng kanilang reserba noong Pebrero.

Sa pulong-balitaan sa tanggapan ng NGCP sa San Juan City kahapon, sinabi ng NGCP na posibleng pumalo hanggang sa ₱0.10 sentimos kada kilowatt hour ang magiging umento sa singil sa kuryente sa nabanggit na buwan.

Una nang inanunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO) ang ₱0.46 sentimos na umento sa kanilang singil ngayong Mayo bunsod ng pagmahal sa transmission charge gayundin ang mataas na presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Samantala, umapela naman ng tulong ang NGCP sa publiko na mabantayan ang mga nagnanakaw ng bakal sa transmission lines makaraang mabunyag ang talamak na pagnanakaw ng bakal sa tore ng NCGP sa Cebu na bahagi ng Cebu – Negros – Panay Transmission facility.

Giit ng NGCP, maaaring magdulot ng mas malaking epekto sa transmission ng kuryente sakaling lumala ang kaso ng pagnanakaw ng bakal sa kanilang mga tore. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us