Pasay, tutulong vs. cervical cancer

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ngayong araw ng pamahlaaang lungsod ng Pasay ang Cervical Cancer Screening.

Ginawa ang National Cervical Cancer Screening sa Pasay City Astrodome bilang bahagi ng mga gawain ukol sa pagdiriwang ng Cervical Cancer Awareness Month.

Dahil dito ay inaanyayahan ng Pasay LGU ang mga Pasayeña na dumalo at makiisa sa nasabing paglulunsad.

Para sa kwalipikasyon, maaring magpa-screen ang mga babae, may asawa man o wala, na nasa 20-65 taong gulang at sexually active.

Maaaring magtungo ang mga naturang kababaihan sa nasabing lugar mula ala-una hanggang alas-3 ng hapon upang makapagpa-screen at magpakonsulta.

Maaari ring magsadya sa mga health center na malapit sa inyong barangay.

Ang cervical cancer screening ay regular ding programa ng lokal na pamahalaan at bahagi ng H.E.L.P. Priority Agenda Mayor Emi Calixto-Rubiano.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

#RP1News
#BagongPilipinas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us