10 beses na pagtaas sa tourist arrivals na maitatala ng Pilipinas, target ng Marcos Administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok ang Marcos Administration sa pagpapatupad ng mga inisyatiba na mas magpapaganda sa ibinibigay na serbisyo sa mga turistang bumibisita sa Pilipinas.

“Ang ambisyon natin doon one million tourists. That was the ambition.  One million tourists can come back. And then kasama na doon ‘yung mga overseas Filipinos. Kaya nagkaroon ng balikbayan box dahil hindi binubuwisan,” —Pangulong Marcos Jr.

Sa inagurasyon ng tourist rest area (TRA) sa Pagudpud, Ilocos Norte (May 17), sinabi ng Pangulo na hindi lamang dapat na magagandang tanawin, magagandang hotel, at magagandang resort ang isaalang-alang upang mahilkayat ang mga turista.

Kilangan aniyang bigyang pansin rin ang maganda at mabilis ang serbisyo, maging ang access sa mga tourist destination.

“Now, we are targeting 10 times that. And we have started to approach that but there are many aspects to tourism.  It’s not just the beautiful beach. It’s not just the beautiful rest house or the nice hotels and the resorts that they stay in,” he pointed out.” —Pangulong Marcos

Ito naman aniya ang dahilan kung bakit nakatutok ang pamahalaan sa pagpapabuti ng mga regional airport, upang mapadali ang pagbiyahe ng mga turista.

“We will make it so that people will travel from abroad directly to Laoag, directly to Bohol, directly to CDO, directly to Tacloban. All of these other places that we want to promote as tourist destinations,” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us