Umabot sa 400 sako o katumbas ng 10,000 kgs ng murang bigas ang naibenta sa publiko ng ADC Kadiwa Store sa pag-arangkada ng Kadiwa Centers noong nakaraang linggo.
Inisyatibo ito ng Department of Agriculture para makapag-alok ng abot kayang bilihin sa mamimili.
Nagkakahalaga lang ng P29 kada kilo ang ibinibentang bigas sa Kadiwa store at hanggang limang kilo ang maaaring bilhin.
Ayon sa ADC Store, nakipagpartner sila sa NFA Marikina para maging available ang murang bigas sa mga mamimili.
Bukod sa ADC KADIWA, mabibili rin ang murang bigas sa KADIWA Center sa loob ng Bureau of Plant Industry sa Malate, Manila; KADIWA Store – sa Llano Road, Barangay 167, Caloocan City; KADIWA Store sa Barangay Ugong, Valenzuela City; at KADIWA Center sa PhilFIDA Compound, Aria Street, Talon Dos, Las Piñas City. | ulat ni Merry Ann Bastasa