Kasabay ng pagtataas ng watawat ngayong Lunes ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ay binigyan din ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (P.R.A.I.S.E.) Committee ng certificate of recognition ang 1st Mobile Force Company ng Philippine National Police.
Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon.
Ito ay dahil sa kanilang kontribusyon para sa crime prevention, laban kontra droga, relief operations, medical mission, at outreach programs sa Southville, NHA, at Biazon Road.
Ang Regional Mobile Force Battalion, National Capital Region Police Office (1st MPC-RMFB, NCRPO) ay kasalukuyang deployed sa Brgy. Poblacion at nagbibigay ng tulong sa pagpapanatili ng peace and order sa nasabing mga lugar. | ulat ni Lorenz Tanjoco