“Moonlighting” ng mga pulis, pinaimbestigahan ni PNP Chief Marbil sa IAS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang PNP Internal Affairs Service (IAS) na imbestigahan ang umano’y “moonlighting” ng dalawang Special Action Force (SAF) commando, na inaresto matapos masangkot sa kasong alarm and scandal noong Mayo 18 sa Ayala Alabang Village.

Ito’y matapos na matuklasan na nagsisilbi umanong security escort ng isang opisyal ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang dalawang pulis.

Sinabi ng PNP Chief, na dapat masibak sa serbisyo ang dalawang pulis kasama ang ilan pang nakatataas sa kanila na posibleng nakipagsabwatan para magbigay ng VIP security sa isang Chinese.

Giit ni Gen. Marbil, hindi trabaho ng SAF na magbigay ng seguridad sa mga VIP.

Paliwanag ng PNP Chief, ang mga pribadong indibidwal na maaari lang bigyan ng seguridad ay yung may mataas na “threat level”, at ang Police Security and Protection Group (PSPG) ang magbibigay ng security personnel, hindi ang SAF. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us