LAB for ALL ng First Lady at DSWD, dumayo sa Subic at nagbigay ng tulong sa taumbayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umarangkada ngayong araw sa Subic Zambales ang LAB for ALL project ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.

Kasama si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, namahagi ng tulong pinansyal at family food packs ang Unang Ginang sa 2,300 benepisyaryo.

Nagpaabot din ng seed capital fund sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program ang DSWD Central Luzon sa siyam na benepisyaryo, na tinuruan sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng Go Negosyo.

Ang LAB for ALL ay isang inisyatiba ng Unang Ginang na naglalayong gawing mas accessible ang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga Pilipino.

Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga nationwide caravan na nag-aalok ng libreng consultation, health screening at assessment, laboratory tests, at medisina at iba pang serbisyo mula sa  government agencies. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us