Bukas na para sa mga naghahanap ng trabaho ang Batch 4 Online Application ng TUPAD program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.
Sa abiso ng LGU, bawat barangay ay may nakalaang bilang ng slots base sa populasyon.
Paalala ng LGU na isang aplikante lang sa bawat pamilya ang pwede para mas maraming pamilya ang mabigyan ng oportunidad sa hanapbuhay.
Prayoridad na mabigyan ng trabaho ang mga hindi pa nakakasali sa programa noong nakaraang taon.
Nilinaw din ng pamahalaang lungsod na hindi kwalipikado sa programang ito ang mga estudyante.
Ang TUPAD program ay inisyatiba ng Navotas City Government at ni Congressman Toby Tiangco. | ulat ni Rey Ferrer