Ilan pang rehiyon sa Mindanao, sunod na pupuntahan ni Pangulong Marcos Jr. bago tumungo sa Visayas at Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatapos na lamang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng presidential at government assistance sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng El Niño sa Mindanao.

Matapos nito, saka mag-iikot ang Pangulo sa Visayas at Luzon.

Pahayag ito ni Task Force El Niño Joey Villarama, sa gitna ng kaliwa’t kanang aktibidad ng Pangulo sa iba’t ibang probinsya sa Mindanao upang personal na ipaabot ang tulong ng gobyerno.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na nakalinya na sa mga aktibidad ng Pangulo sa mga susunod na linggo ang pagbisita sa rehiyon ng CARAGA at sa Region XI.

Kung matatandaan, nauna nang binisita ng Pangulo ang Region IX, X, XII, at BARMM upang personal na ipagkaloob ang tulong ng national government.

Tulad aniya ng una nang sinabi ng Pangulo, walang lugar sa bansa ang maiiwan o makakalimutan lalo na sa gitna ng El Niño.

“Again, we would like to emphasize, sabi ng pangulo, “Walang rehiyon na maiiwan, walang probinsiya na makakaligtaan,” at ang Malacañang po ang lalapit talaga sa mga naapektuhan po ng El Niño phenomenon.” —Asec Villarama. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us