Umaapela ang Department of Public Works and Highways – National Capital Region sa Department of Budget and Management na madagdagan ang kanilang quick response fund ngayong panahon ng tag-ulan.
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, sinabi ni DPWH Regional Director Loreta Malaluan, kulang ang kasalukuyan nilang pondo para tugunan ang mga pangangailangan sa panahon ng kalamidad.
Humingi na sila ng dagdag na pondo sa DBM para magamit sakaling magkaroon ng Emergency situation.
Samantala, naiturn over na ng Kagawaran sa mga LGU ang mga bagong gawa na mga evacuation centers.
Ang mga pasilidad na ito ay kumpleto ang mga aminities tulad ng mga palikuran, source of water at iba pa. | ulat ni Michael Rogas