Na nutralisa sa pinagsanib na operasyon ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang miymebro ng Daulah Islamiyah (DI) – Hassan Group sa Datu Salibo, Magiundanao del Sur.
Sa ulat ng SAF kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, kinilala ang nasawing terorista na si Sera Iskak alyas B90.
Nasawi ito sa pakikipaglaban sa mga tropa ng 41st Special Action Command at 4th Special Action Batallion ng PNP SAF kasama ang iba pang pulis at sundalo, na nagtangkang magsilbi ng arrest warrant sa mga miymebro ng DI Hassan Group sa Brgy. Pagatin at Butelin, sa Datu Salibo, Magiundanao del Sur.
Narekober sa nasawing suspek ang isang baril at celphone, na naiturn-over sa Datu Salibo Police Municipal Station; habang ang kanyang labi ay isinauli sa pamilya.
Giit ng SAF, patunay ang matagumpay na operasyon sa commitment at pagsisikap ng kanilang hanay at ng iba pang law enforcement agencies na matuldukan ang terorismo sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of SAF