Nagtungo sa Zamboanga City kahapon si PNP Chief PGen Rommel Francisco Marbil at DILG Sec. Benhur Abalos Jr. para personal na parangalan ang mga pulis ng Special Action Force (SAF) na nasagutan at nasawi matapos ang engkwentro sa Abu Sayyaf sa Tawi-Tawi noong Martes.
Ginawaran “posthumously” ng Medalya ng Katapangan si Patrolman Ian Valdez, na nag-alay ng ultimong sakripisyo.
Habang ang mga sugatan na si Police Master Sergeant Mohammad Lee Aharul at Police Master Sergeant Alberto Olbis ay tumanggap naman ng Medalya ng Katapangan at Medalya ng Sugatang Magiting.
Nagbigay din ng suportang pinansyal ang PNP at DILG sa kanilang mga pamilya.
Kapwa pinuri ni Sec. Abalos at Gen. Marbil ang kagitingan at dedikasyon sa trabaho ng mga sugatang at nasawing SAF trooper, na nagsisilbing inspirasyon sa buong hanay ng PNP. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PNP-PIO