DSWD, nagpaabot na ng tulong sa daan-daang pamilyang nasunugan sa Cavite City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nabigyan na ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 622 pamilya o 2,027 indibidwal na nasunugan sa barangay 22-Quadra, Cavite City noong Abril 26.

Sa ulat ng DSWD, aabot sa Php2.676 million ang halaga ng relief assistance na naipagkaloob sa mga pamilya tulad ng food packs at non-food items.

Pagtiyak ni DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group Diana Rose Cajipe, makakaasa ang mga nasalanta ng sunog na mabigyan pa ng dagdag na tulong.

Sinisiguro din ng DSWD, na mabigyan ng financial aid ang mga pamilya sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Ang mga nasunugan ay pansamantalang nanunuluyan sa tatlong evacuation center sa lungsod na ipinagkaloob ng Cavite City local government. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us