Dating consultant ni Bamban Mayor Alice Guo, lumutang para depensahan ang alkalde

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idinepensa ng kanyang dating consultant si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nakukwestyon ngayon ang citizenship.

Ayon kay Nancy Gamo, dating consultant ni Guo, lumutang siya bilang isang kaibigan at kakilala ng alkalde dahil hindi umano niya kayang manahimik sa gitna ng mga isyu na ibinabato sa alkalde.

Mahigit 10 taon umano niyang kilala si Mayor Guo nang tumulong siya sa iba’t ibang aspeto ng negosyo nito kabilang ang pagiging corporate housekeeper at pagsasa-ayos ng mga records at iba pang may kaugnayan sa pagbenta ng shares ng pamilya Guo.

Sinabi ni Gamo na kilala niya si Mayor Alice bilang isang napakasipag, mababang loob, at mapagmahal na anak. 

Nakilala rin umano ni Gamo si Lin Wen Yi, na ipinakilala bilang partner ng tatay ni Mayor Guo.

Giit ni Gamo, hindi si Lin Wen Yi ang tunay na ina ni Mayor Guo.

Sa kanyang palagay hindi na aniya kailangan kaladkarin pa ang ibang tao sa usapin ng DNA test.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us