Naniniwala si Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na mas sisigla pa ang paglikha ng trabaho sa bansa kapag naitatag na ang Luzon Economic Corridor na siyang susuporta sa Philippine job market.
Ito ang pahayag ni Recto kasunod ng inilabas na pinakahuling Labor market survey.
Sinabi ni Recto na bibigyang-daan ng economic corridor ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa.
Aniya, mula 4.5 percent na unemployment rate noong April 2023 ngayon ay nasa 4% na lamang, ibig sabihin nasa 48.36-million na ang mga Pilipino na may trabaho sa bansa.
Magdudulot ng multiplier effect ang Luzon Economic Corridor, kabilang dito ang opportunidad sa mga key investment hubs gaya ng massive transport projects, manufacturing, at construction sectors.
Ang Luzon Economic Corridor ay ang kauna-unahang Global Infrastructure and investment Ecnomic Corridor sa Indo-Pacific Region na binuo sa makasaysayang Trilateral United States-Japan-Philippines Leaders Meeting. | ulat ni Melany Valdoz Reyes