19 na probinsya na ang naikot ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na pinakamalaking serbisyo caravan ng Marcos administration.
Ngayong araw ay binuksan ang BPSF sa Tagum City Davao del Norte sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez at halos isang daan at pitompung mga kongresista.
Ito rin ang ika walong BPSF dito sa Mindanao kasunod ng Zamboanga City, Bukidnon, Agusan del Norte, Sultan Kudarat, Davao de Oro at Tawi-Tawi.
Nasa 62 ahensya ng pamahalaan ang nakibahagi sa BPSF dala ang nasa higit 235 na serbisyo ng gobyerno para sa may 250,000 na benepisyaryo sa dalawang araw na BPSF.
Nagkakahalaga ito ng nasa P913 million kung saan P483 million ay tulong pinansyal.
Maliban sa government services ay nagpaabot din ng iba pang tulong gaya ng scholarship, livelihood at medical assistance. | ulat ni Kathleen Forbes