Muling pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng titulo ng lupa para naman sa may 2 libong agrarian reform beneficiaries sa Camarines Sur at Norte.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos Jr., sinabi nitong sa kabuuan ay nasa 30 libong Certificate of Land Ownership na ang kanilang naipapamahagi sa buong Bansa mula Enero hanggang Mayo ngayong taong ito.
Kaugnay nito ay nasa 36 na libong Certificate of Land Ownership pa sabi ng Pangulo ang kailangan nilang maipamahagi bago matapos ang 2024.
Bitbit din ng Pangulo ang aniyay mga bago at magandang balita para sa mga taga Camarines Sur gaya ng pagkakaroon ng Camsur expressway, tourism coastal road habang sisimulan na din aniya ang Naga development project na magpapabilis ng transportasyon sa lalawigan.
Bukod pa dyan, sabi ng Pangulo na may siyam na farm to market roads na gagawin pa sa Region 5.
Bukod sa Certificate of Land Ownership ay pinangunahan din ng Presidente ang pamamahagi ng daan daang milyong pisong farm machineries para sa mga magsasaka at mangingisda ng Bicol Region. | ulat ni Alvin Baltazar