Ibinida ni Speaker Martin Romualdez ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Davao del Norte bilang pinakamalaking serbisyo caravan ng pamahalaan.
Sa pagbubukas ng dalawang araw na serbisyo fair sa Tagum City, sinabi ng House leader na aabot sa 250,000 na benepiysaryo ang maseserbisyuhan ng BPSF mula ngayong araw June 7 hanggang bukas, June 8.
Kabuuang P913 million na halaga naman ng serbisyo ng gobyerno at tulong pinansyal ipinagkaloob sa mga benepisyaryo.
Maliban sa dami ng matutulungan at halaga ng ayuda, ito rin ang BPSF na dinaluhan ng pinakamaraming kongresista.
167 na mambabatas ang present sa BPSF DavNor kasama na si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
“Lubos po ang ating galak sa dami ng mamamayang na-serbisyuhan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na hatid ng ating mahal na Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Davao del Norte. Damang-dama ng ating mga mamamayan ang tulong at kalinga ng ating pamahalaan. Ito na po ang pinakamalaking Service Caravan sa dami ng benepisyaryong natulungan. Halos 220,000 na ang ating naserbisyuhan at nabigyan ng tulong pinansyal. Patunay lamang ito na prayoridad in Pangulong Marcos Jr. ang bawat mamamayang Pilipino,” sabi ni Romualdez.
Nakapagpaabot din dito ang House Speaker ng 300,000 na kilo ng bigas.
Nagsagawa rin ang DSWD ng AICS at AKAP payout para sa may 80,000 na indibidwal sa halagang P260 million.
Maliban pa ito sa P429 million na in-kind assistance para gaya ng health service (P30 million); agricultutal services (P392 million); livelihood P54 million) at educational assistance (P174 million)
Dagdag pa ng lider ng Kamara na makasaysayan ang pagbisita ng BPSF sa DavNor dahil lagpas na sa dalawang milyon ang benepisyaryong naabot ng serbisyo caravan.
“Hindi po natutulog ang ating pamahalaan. We continue to find ways to alleviate the condition of Filipino families, especially those who need assistance to tide them through many difficult days. Sinisikap ng administrasyong Marcos na iahon ang ating bansa sa kahirapan at sabay-sabay na aangat ang lahat,” saad ng House Speaker
Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Rey Uy sa administrasyong Marcos Jr. sa malasakit na ipinapakita nito sa kapwa tao.
Aniya sa tagal niya sa politika, ito aniya ang unag pagkakataon na ang administrasyon ay may malasakit sa taumbayan.
“Super, matagal na ko sa politika since 1988. This is the first time na may administrasyon na nagiisip para sa kanilang kapwa. This administration, administrasyon ni President Marcos may malasakit sa kapwa tao…ito ang pinaka biggest, pinaghandaan po namin para makita ng presidente marcos at ni speaker romualdez kami dito nagkaisa.” ani Mayor Uy. | ulat ni Kathleen Forbes