Nasabat ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang 235 milyong pisong halaga ng Ketamine mula sa dalawang Pakistani sa buy-bust operation sa Roxas Blvd, Barangay 699, Malate, Maynila kagabi.
Sa ulat ni PDEG Director PBrig. Gen. Eleazar Matta kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, kinilala ang mga arestadong Pakastani na sina: Zahid Rafique Pasha, 50, at Muhammad Faheem, 57.
Narekober sa 2 suspek ang 47 kilo ng ketamine, na isang “hallucingen”, buy-bust money at 2 SUV.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEG ang dalawang suspek para sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; habang ang nakumpiskang droga ay dinala sa PNP Forensic Group sa Camp Crame para sa eksaminasyon. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PDEG