Kalayaan Job Fair ng Pasig LGU sa Independence Day, kasado na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 50 local at 10 overseas companies ang lalahok sa Kalayaan Job Fair na ilulunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Miyekules.

Ayon sa LGU, pakikiisa nila ito sa pagdiriwang ng ika-126 taon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, sa Hunyo 12, 2024.

Gaganapin ang job fair sa SM City East Ortigas, simula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Bukod sa job vacancies, magkakaroon din ng One -Stop Shop para sa first-time jobseekers na nais makapag-avail ng libreng serbisyo gaya ng police at NBI clearance o makapagparehistro sa BIR, Pag-IBIG, PhilHealth, at SSS.

Ngayon pa lang, nananawagan na ang LGU sa mga job seeker na samantalahin ang pagkakataong ito para makahanap ng trabaho. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us