Red Cross, naghatid ng malinis na tubig sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon lalo na iyong mga nananatili pa rin sa evacuation centers.

Kahapon, ipinadala ng PRC Negros Occidental-Bacolod City Chapter ang kanilang WASH Team sa pamamagitan ng kanilang water tanker na naglalaman ng 8,300 litro ng malinis na tubig.

Ipinamahagi iyon sa mga evacuees sa Cabagnaan Elementary School gayundin sa Cabagnaan National High School kung saan, nasa 83 pamilya o katumbas ng 415 indibiduwal ang nakinabang.

Maliban dito, naghatid din ng nasa 3,627 litro ng malinis na tubig ang PRC sa La Castellana kung saan, 20 pamilya o katumbas ng nasa 218 indibiduwal ang nabigyan nito.

Kabilang din sa mga narasyunan ng tubig ng PRC ay ang mga pamilyang apektado sa Brgy. Araal at San Miguel sa La Carlota City.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us