Transport strike ng MANIBELA, di ramdam sa Philcoa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang ilang jeepney driver sa bahagi ng Philcoa sa Quezon City na hindi gaanong makakaapekto sa mga pasahero ang ikinasang panibagong transport strike ng grupong MANIBELA simula ngayong araw.

Ayon kay Mang Juanito, marami na kasi sa mga jeepney na bumibiyahe sa bahagi ng Philcoa ay mga naka-consolidate na.

Dahil dito, hindi na sila sasali pa sa transport strike at magtutuloy-tuloy sa pamamasada.

Kasama rin sa nakapag-consolidate na si Mang Rogelio na hindi na raw kinakabahang masita pa dahil bahagi na siya ng Modernization Program.

As of 6:30am, kapansin-pansin din na tuloy-tuloy ang dating ng mga pampasaherong jeep sa Philcoa na tumutugon sa mga pasahero ngayong morning rush hour.

Una nang nakiusap ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa MANIBELA na huwag nang ituloy ang tigil-pasada. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us