Umarangkada na ngayong araw ang alok na programa at serbisyo ng mga ahensya ng pamahalaan sa Rizal Park sa Maynila.
Ayon sa Civil Service Commission, inihanda ito ng pamahalaan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika 126 taong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.
Hinihikayat ng CSC ang publiko na pumunta sa Dancing Fountain Area sa Rizal Park para maka-avail ng mga serbisyo ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.
Tatagal ito hanggang bukas,Hunyo a-11 bago ang araw ng kalayaan sa Hunyo a-12.
Ilan lamang sa mga ahensya na magbibigay serbisyo sa publiko ang MMDA, Philhealth, Bureau of Immigration, BIR, Comelec, DA, DOE, DFA, DOH, DICT, DILG, DOLE, DOST, DTI, GSIS, NBI, DSWD at maraming iba pa. | ulat ni Rey Ferrer