Nagpaalala ang Office of the House Secretary General sa mga empleyado ng Kamara kaugnay sa COVID-19 protocols.
Bunsod ito ng pagtaas sa bilang ng House employees na tinatamaan ng sakit.
Sa inilabas na memorandum, muling iginiit ang pagkakaroon ng proper hygiene, pagsunod sa cough etiquette at paghimok sa mga immunocompromised na magsuot pa rin ng face mask.
Ang empleyado na mag popositibo sa COVID ay kailangan mag isolate ng limang araw.
Kung wala nang sintomas sa na lumabas sa loob ng 24 oras ay maaari na itong bumalik sa trabaho.
Kung ang nagpositibo ay immunocompromised, 10 araw naman ang magiging isolation nito.
Obligado naman ang opisina o divison ng naturang COVID-19 positive na magsuot ng facemask sa loob ng sampung araw.
Ang MDS o Medical and Dental Service COVID Manager ang magmo-monitor sa positibong pasyente at MDS rin ang maglalabas ng clearance bago magbalik trabaho ang pasyente. | ulat ni Kathleen Forbes