Aabot sa 6,558 na trabaho ang alok ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng kasarinlan ngayong araw.
Nilahukan ito ng 21 recruitment agencies na nais makatulong sa mga naghahanap ng trabaho sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, ang kanilang Pre-Employment and Government Placement Bureau ang mangangasiwa sa job fair na sinimulan kaninang 10 AM at tatagal hanggang mamayang 4 PM.
Isinagawa ang Mega Jobs Fair ng DMW sa Robinsons Galleria-Ortigas.
Hinihikayat naman ang mga aplikante na magdala ng maraming resume para sa mas malaking tiyansa na makahanap ng trabaho.
Sa ngayon, dagsa na ang mga aplikante na galing pa sa iba’t ibang mga lugar.
Maliban sa resume, dala nila ang pag-asa na makahananap sila ng magandang trabaho na makatutulong sila sa pag-asenso. | ulat ni Jaymark Dagala