Kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ay nanawagan si Parañaque Mayor Eric Olivarez na gunitain at bigyang-pugay ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan na tinatamasa ng ating bayan ngayon.
Umaasa ang alkalde na magsisilbing inspirasyon sa lahat ang dedikasyon at katapangan na ipinamalas ng mga ito.
Dapat din aniyang ipagpatuloy ang pakikipaglaban para sa ating kasarinlan.
Bilang bahagi naman ng ating pagdiriwang ng ika-126 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, ay dinaluhan ni Olivarez ang ilang mga flag raising ceremony na isinagawa sa iba’t ibang SM Malls sa lungsod.
Kabilang sa dinaluhan nito ay ang pagtaas ng watawat sa SM City BF kung saan nakasama nito sina 2nd District Congressman Gus Tambunting, Councilor Rico Golez at Councilor Tin Esplana. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Mayor Eric Olivarez fb