Generally peaceful kung ituring ng Philippine National Police (PNP) ang mga naging takbo ng aktibidad kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng kasarinlan ng bansa kahapon.
Ito’y ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo kasunod ng isinagawa nilang maghapong pagbabantay sa iba’t ibang panig ng bansa.
Bagaman may mga naitalang lightning rally ng iba’t ibang grupo gaya sa Makati at Maynila, itinuturing lamang itong isolated incidents.
Kahapon, biglang sumugod ang ilang militanteng grupo sa harap ng Embahada ng China sa Pilipinas sa Makati upang kondenahin ang mapangahas na pag-aangkin nito sa West Philippine Sea.
Habang may ilan namang sumugod sa Embahada ng Amerika sa Maynila para naman tutulan ang anila’y pangingi-alam ng Amerika sa mga usaping panloob ng Pilipinas. | ulat ni Jaymark Dagala