Sisiguruhin ni Philippine National Police Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil na matatanggal sa pagkapulis ang sino mang durungis sa pangalan ng kanilang organisasyon.
Ayon kay Marbil, iisa lang ang PNP at marapat lamang aniya na protektahan ang imahe nito.
Dagdag pa ng heneral na uunahin niyang tanggalin sa pagkapulis ang mga tiwali nilang miyembro bago pa ito makasuhan sa korte.
Ganon aniya siya kaseryoso na linisin ang kanilang hanay.
Ang tugon ni Marbil ay matapos makailang beses nanamang makaladkad ang pangalan ng PNP dahil dawit ang ilang opisyales nito sa mga katiwalian. | ulat ni Lorenz Tanjoco