Mga pulis na masisibak sa katiwalian, wala nang pag-asang makabalik sa PNP – Gen. Marbil

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na hindi na makakabalik sa Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na masisibak dahil sa katiwalian.

Ayon sa PNP Chief, hindi siya makukuntento na masuspindi o ma-demote lang ang mga pulis na sangkot sa krimen kung hindi sisiguraduhin niya na matatanggal sila sa serbisyo at makukulong pa.

Ang pahayag ay ginawa ng PNP Chief sa isang ambush interview kaninang umaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) nang tanungin tungkol sa pagkakasangkot ng ilang pulis kamakailan sa sa iba’t ibang ilegal na aktibidad.

Sinabi naman ng PNP Chief, na kung gaano katindi ang paghahabol ng PNP sa mga pulis na nagkakamali, ay dapat ding mabilis ang pagbibigay ng parangal sa mga pulis na mahusay na nagagawa ang kanilang trabaho.

Kaugnay nito, binati ni Gen. Marbil si NCRPO Director Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. sa kanyang paggawad ng parangal sa 61 natatanging tauhan ng NCRPO kabilang ang mga operatiba na responsable sa pag-aresto kay Canadian Thomas Gordon O’Quinn na suspek sa P9.6-billion shabu shipment na nasabat sa Batangas. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us