Alas-10 ngayong umaga nang sinimulan na ang pagtanggap ng aplikante sa Mega Job Fair SM Southmall Las Piñas.
Aabot sa 24 na kumpanya ang nakilahok kung saan 1,005 ang bakanteng trabahao na nag-aantay.
Payo sa mga job seeker ni Ma. Lourdes R. Pichay – PESO Staff Las Piñas, ‘wag kabahan at maging confident habang sumasalang sa job interview.
Sinabi naman ni Maritess Bassig – Senior Labor and Employment Field Office, umaasa sila na maraming matatanggap sa trabaho ngayong araw. | ulat ni Don King Zarate