Kinumpirma ng Caloocan LGU na natagpuan na wala nang buhay ang walong taong gulang na batang unang napaulat na nawawala matapos na maanod sa creek sa kasagsagan ng malaas na pagulan kahapon.
Ayon sa LGU, natagpuan ang bangkay ng bata bandang alas-8 ng umaga sa Saog Bridge sa Marilao, Bulacan.
Kinilala ang biktimang si Jhaycob Anderson Manrique na nakatira sa Bagong Silang, Caloocan City.
Kasunod nito, nangko na si Caloocan Mayor Along Malapitan ng burial assistance para sa pamilya ng nasawing bata. | ulat ni Merry Ann Bastasa