DILG sa mga magulang: Bantayan ang mga anak vs ilegal na droga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr. sa mga magulang na turuan ang kanilang mga anak, at bantayan upang makaiwas laban sa  illegal drugs.

Ginawa ng kalihim ang apela kasabay ng pormal na paglulunsad ng BIDA Campaign sa Kalibo, Aklan.

Pinaalalahanan rin nito ang mga magulang, na gawin ang makakaya upang mahubog ang mga kabataan tungo sa tamang landas at malayo sa ilegal na droga.

Bago inilunsad ang programa, pinangunahan din ng Kalihim ang pormal na pagbubukas ng Balay Silangan sa Brgy. Nalook, Kalibo.

Kabilang ito sa proyekto ng Philippine Drug Enforcement Agency, na naglalayong bigyan ng tulong ang mga drug surrenderee sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us