Welcome para kay Speaker Martin Romualdez ang pahayag ng kaniyang Japan counterpart na si Speaker Fukushiro Nukaga sa pagnanais na palakasin pa ang defense at security cooperation hindi lang sa pagitan ng Pilipinas, kundi kasama rin ang Estados Unidos.
Sa naging pulong ng dalawang opisyal, sinabi ni Nukaga na magkapareho ang values ng Japan at Pilipinas kaya’t maigi na magtulungan sa maraming aspeto kasama na ang defense and security.
Naniniwala rin si Nukaga na ang rule of law ang dapat maging batayan ng seguridad, pagprotekta at pagkilala sa demokrasya, at international order.
Kinilala naman ni Speaker Romualdez ang malaking ambag ng Japan sa pagpapabuti ng defense capabilities ng Pilipinas.
Halimbawa na lang ang pagbibigay ng defense equipment para sa ating Philippine Coast Guard at Navy.
“Japan has provided not only radar systems for our Coast Guard but also choppers and ships to expand our maritime assets for the Coast Guard and the Philippine Navy due to the archipelagic nature of our country and many, many miles of shoreline. We are most appreciative of this assistance and capacity-building that the JICA (provides). A lot of these go to the island region of Mindanao, the BARMM. It has provided a lot in ushering peace, stability and prosperity in that region. It has helped (immensely),” sabi ni Romualdez.
Kapwa nangako rin ang dalawang opisyal na mas patatagin pa ang ugnayan ng Japan at Pilipinas kasama ang US, matapos ang makasaysayang trilateral meeting ng heads of state mg tatlong bansa sa Washington D.C. nitong Abril. | ulat ni Kathleen Jean Forbes