Pursigido ang National Housing Authority na mabigyan ng pabahay ang mga katutubo sa bansa.
Ayon sa NHA, tuloy-tuloy ang kanilang pamamahagi ng housing units sa mga benepisyaryong katutubo sa pakikipagtulungan sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at local government units.
Huling pinagkalooban ng pabahay ang mga katutubong T’boli at Manobo sa Sarangani Province.
Nasa 100 housing units ang inilaan sa kanila ng NHA sa El Solo Village Project sa Barangay Kalaong, Maitum ng lalawigan .
Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa ilalim ng Housing Assistance Program for Indigenous Peoples (HAPIP) ng ahensya na layong mabigyan ng disenteng tahanan ang mga katutubo sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer
📷: NHA