Nagtungo ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development sa General Santos City para simulan ang pinakaunang Information Caravan sa tatlong flagship programs ng kagawaran.
Kabilang dito ang ‘Walang Gutom Program’, ‘Tara, Basa Tutoring Program’, at ‘Oplan Pag-Abot’.
Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, Undersecretary Eduardo M. Punay, at Assistant Secretary Baldr Bringas ang pakikipagpulong sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon para lubos na maipakilala sa kanila ang tatlong programa.
Ayon sa DSWD, layon ng Information Caravan na magbigay kaalaman sa mga benepisyong matatanggap ng mga benepisyaryo ng kanya-kanyang programa.
Tinalakay din sa pulong kung paano nabuo ang mga ito, ang mga panuntunan at pati na rin ang mga kondisyon para makalahok sa programa. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD