Isang makulay na simbolo ng suporta at pakikiisa sa LGBTQIA+ community ang inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pamamagitan ng pagpipinta ng isang pedestrian lane at footbridge sa harapan ng kanilang tanggapan sa Barangay Ugong, Pasig City.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, ang makulay na crosswalk at footbridge ay simbolo ng kanilang pangako na magkaroon ng ligtas at inklusibong espasyo para sa lahat, lalo na sa LGBTQIA+ community.
Aniya, sa MMDA, walang diskriminasyon at lahat ay malugod na tinatanggap at binibigyan ng pantay na oportunidad sa trabaho, anuman ang kanilang sexual preference.
Umaasa naman si Artes, na ang hakbang na ito ng MMDA ay magsisilbing inspirasyon para sa iba pang ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, at pribadong sektor na maging mas inklusibo at socially aware. | ulat ni Diane Lear