Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) na muli itong nakapuntos sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.
Ito’y makaraang maaresto ang isang high value individual at miyembro ng Tiñga Drug Syndicate sa ikinasang operasyon ng Taguig City Police Office.
Sa impormasyong ipinabatid ni Taguig City Police Office Chief, Police Colonel Christopher Olazo sa Kampo Crame, kinilala ang naturang high value individual na si Joel Tiñga na pinsan ni dating Taguig City Mayor Freddie Tiñga.
Nabatid na nasakote si Tiñga sa bahagi ng MLQ street sa Barangay Lower Bicutan kung saan, nakuha sa kaniya ang walong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P360,400.
Binigyang diin ni Olazo, na ang pagkakaaresto kay Tiñga ay patunay ng kanilang pangako na seryoso ang kampanya ng pulisya kontra krimen at iligal na droga.
Magugunitang naaresto na rin sa ang iba pang kilalang miyembro ng sindikato. | ulat ni Jaymark Dagala