Nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) ang nasa Php 1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang operasyon sa Camarines Sur.
Katuwang ang Integrity Monitoring and Enforcement Group – IMEG Luzon Field Unit at Intelligence Unit ng Camarines Sur Provincial Police Office, naaresto ang drug suspect na kanilang tinutugis matapos magpositibo sa hawak nilang impormasyon.
Nasa kostudiya na ngayon ng Libmanan Municipal Police Station sa naturang lalawigan ang naarestong drug suspect at isinailalim na ito sa documentation at disposition.
Habang ipaghaharap ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nahuling suspek na batay sa impormasyon ay isang Pulis.
Dinala na rin sa PNP Forensic Unit sa Kampo Crame ang mga nakuhang ebidensya para sa laboratory examination. | ulat ni Jaymark Dagala