Libo-libong “runner” mula sa 10 base ng Philippine Air Force (PAF) sa Mactan, Lipa City, Palawan, La Union, Pampanga, Tarlac, Cavite, Zamboanga, at Pasay ang lumahok sa “Axel Run with Heroes” mula Hunyo 9 hanggang 23.
Ang aktibidad, na kinatampukan ng mga runner na naka-suot ng “superhero costume” ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-77 anibersaryo ng PAF.
Lumahok sa aktibidad ang mga military personnel, kanilang mga pamilya at mga miymebro ng komunidad, sa serye ng 3K, 5K at 10K run, para isulong ang kalusugan at pakikipagkaibigan.
Bukod dito, layon ng Axel Run na makalikom ng pondo para sa kawanggawa, sa pagsuporta sa PAF Welfare Fund at mga proyektong pangkomunidad ng PAF Ladies Club.
Pormal na ipagdiriwang ng PAF ang kanilang ika-77 anibersaryo sa pamamagitan ng palatuntunan sa sa Basa Airbase sa Pampanga sa Hulyo 1, na inaasahang dadaluhan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PAF