Pormal nang itinurn-over sa pangangasiwa ng Pagadian City sa Zamboanga del Sur ang pang-84 na Community Tsunami Alert Station (CTAS).
Ayon sa PHIVOLCS, ang hakbangin at pagtutulungang ito ay mahalaga para sa pagtitiyak ng kaligtasan ng komunidad sa Pagadian City.
Sa pamamagitan nito maagap na makapaglalabas ng babala at alerto ang lokal na pamahalaan sa sandaling magkaroon ng banta ng tsunami.
Kaalinsabay ng pagpapasinaya ng tsunami alert station, sunod ding isinagawa ng PHIVOLCS ang pagbigay ng workshop tungkol sa Information, Education, and Communication (IEC) campaign kaugnay ng tsunami evacuation.
Gayundin ang pagkakabilang ng pang-84 na CTAS sa Tsunami Early Warning System (TEWS) ng Pilipinas. | ulat ni Rey Ferrer