Makararanas ng water service interruption ang ilang barangay sa lungsod Quezon na sineserbisyuhan ng Manila Water simula mamayang gabi.
Sa abiso ng water company, ang kawalan ng suplay ng tubig ay bunsod ng isasagawang line maintenance at strainer declogging.
Kabilang sa mga barangay na maaapektuhan nito ang ilang bahagi ng Brgy. Valencia
mula alas-10:00 ng gabi ngayong Hunyo 25 hanggang alas-4:00 ng madaling araw ng Hunyo 26, 2024.
Ilang bahagi ng Brgy. Old Capitol Site at ilang bahagi ng Brgy. Pag-asa,mula alas-10:00 ng gabi ng Hunyo 27 hanggang alas-4:00 ng madaling araw ng Hunyo 28 at ilang bahagi ng Brgy. Tandang Sora,mula alas-10:00 ng gabi ng Hulyo 1 hanggang alas-4:00 ng madaling araw ng Hulyo 2, 2024
Pinapayuhan ang mga apektadong residente na paghandaan ang pansamantalang pagkawala ng supply ng tubig. | ulat ni Rey Ferrer