Pinaiimbestigahan na ni DILG Secretary Benjur Abalos Jr. sa Philippine National Police (PNP) ang presensya ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) sa isang private event sa Pasig City kamakailan.
Ito’y matapos na makarating kay Abalos ang impormasyon na nasa soft launching ng isang networking company sa Pasig City ang team ng SWAT mula sa Batangas.
Batay sa mga kuhang litrato, nakasuot pa ng uniporme ang mga tauhan ng SWAT at may mga dalang baril.
Sa kanyang direktiba kay Chief PNP, pinamamadali nito ang imbestigasyon at para magkaroon ng kalinawan ang usapin.
Tiniyak ni Abalos na hindi nya kukunsintihin ang deployment ng mga aktibong pulis sa mga private event kasama na ang pagiging private escort.| ulat ni Rey Ferrer