Umabot sa 17,999 na Agrarian Reform beneficiary (ARBs) sa Western Visayas ang nakatanggap ng titulo ng lupa sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa Department of Agrarian Reform Western Visayas (DAR-WV), ito ay sumasaklaw ng higit 16,000 na ektariya ng lupang agraryo sa rehiyon.
Sa halos 18,000 ARB, umabot sa 13,200 na benepisyaryo ang nakatanggap ng lupa sa Negros Occidental, higit 2,100 sa Iloilo, higit 900 sa Capiz, higit 600 sa Aklan, higit 500 sa Guimaras at higit 400 sa Antique.
Tinuturing ni DAR 6 Regional Director Atty. Sheila Enciso na mapalad ang rehiyon dahil ito ang may pinakamadaming naitalang pagbisita ni Presidente Marcos Jr. para pangunahan ang pamamahagi ng titulo ng lupa at tulong sa mga ARB.| ulat ni JP Hervas| RP1 Iloilo